Chairman ng Board of Inquiry na nag-imbestiga sa Mamasapano operation, handang dumalo sa reinvestigation ng Senado

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 4068

magalong
Handang dumalo sa Mamasapano reinvestigation ng Senado ang Chairman ng Board of Inquiry na nag-imbestiga sa SAF operation.

Ayon kay Police Director Benjamin Magalong, inaasahan na niya na ipatatawag siya ng Senado.

Kabilang naman sa mga inimbitahan sa Mamasapano reinvestigation sa January 27 sina PNP Chief PDG Ricardo Marquez, dating PNP Chief Alan Purisima, dating PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina at si retired SAF Director Getulio Napeñas.

Nauna nang inihayag ni Senator Juan Ponce Enrile na magpofocus ang re-investigation ng Senado sa naging papel ni Pangulong Aquino sa mamasapano operation na ikinasawi ng apatnaput apat na SAF commandos.

Tags: , , , ,