China, ramdam na ang international pressure kaugnay ng agawan sa territoryo sa West Philippine Sea ayon sa dating Mambabatas

by Radyo La Verdad | August 5, 2015 (Wednesday) | 973

GOILEZ
Nag-react na ang mga miyembro ng bansa ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa walang patumanggang reclamation activities ng china sa West Philippine Sea o South China Seas.

Ipinatitigil na ng ibang mga bansa sa ASEAN Region ang reclamation activities ng China sa teritoryo.

Bukod pa ito sa mga naunang pahayag ng bansang India, Australia, U-S at Japan.

Ayon sa dating National Security Adviser at Mambabatas na si Roilo Golez isang patunay ito na nagkakaroon na ng pagkakaisa ang mga bansa laban sa ginagawang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Golez sumobra na ang China sa kanilang agresibong reclamation project sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Golez dahil sa nagkaroon na ng global attention ang reclamation activities sa West Philippine Sea hindi na ito maaring balewalain ng China.

Dahil sa mas tumitinding international pressure, dapat na anyang baguhin ng China ang polisiya nito sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ilang beses na ring nanawagan ang Pilipinas sa International Community na i-pressure ang China upang itigil na nito ang reclamation activities sa South China Sea.

Isang sa naging hakbang ng Pilipinas sa isyung ito ay ang pagsasampa ng kaso laban sa China sa International Tribunal on the Law of the Sea. (Darlene Basingan / UNTV News)

Tags: