CJ Sereno, pinasasagot ng Korte Suprema sa petisyon na layong patalsikin siya sa puwesto

by Radyo La Verdad | March 7, 2018 (Wednesday) | 4100

Binigyan ng sampung araw ng Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno upang sagutin ang quo warranto petition ng solicitor general.

Pero ayon sa korte, hindi ibig sabihin nito ay reresolbahin na nila ang merito ng kaso.

Para kay Associate Justice Marvic, dapat na agarang i-dismiss ang petisyon.

Sa petisyong inihain ni Solicitor General Jose Calida, pinatatanggal nito sa pwesto si Sereno dahil wala umanong bisa mula sa simula ang pagkakatalaga sa kanya bilang punong mahistrado.

Isa sa kinukwestyon ang integridad ni Sereno dahil sa hindi nito pagsusumite ng

Pero ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josa Deinla, dapat dinismiss na ang petisyon.

Dahil sa ilalim aniya ng Saligang-Batas, impeachment lang ang paraan upang alisin sa pwesto ang isang punong mahistrado.

 

 ( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,