Maynilad, Manila water at MWSS, pinagmumulta ng Korte Suprema sa di pagtupad sa Clean Water Act

by Erika Endraca | August 7, 2019 (Wednesday) | 40763

MANILA, Philippines – Pinagmumulta ng Korte Suprema ang Maynilad, Manila Water at Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) dahil sa hindi pagtupad sa Clean Water Act.

900-Million Pesos ang ipinataw na multa sa Maynilad at MWSS at 900-million din sa Manila Water at MWSS.

Bukod dito, pinagmumulta din sila ng 322-Thousand Pesos sa bawat araw na hindi nila nasusunod ang nakasaad sa Clean Water Act.

Ayon sa mga Court Insider, may kinalaman ito sa kabiguan ng Maynilad at Manila Water na maglagay ng sewage lines at sewage treatment facilities.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,