Clark Int’l Airport, nagdagdag ng domestic at international flights

by Radyo La Verdad | November 29, 2017 (Wednesday) | 2636

Patuloy ang ginagawang improvements sa Clark International Airport sa Clark, Pampanga. Dahil ito sa mabilis na pagdami ng mga pasaherong tumatangkilik sa paliparan upang makaiwas sa congestion sa Ninoy Aquino International Airport sa Maynila.

Kahapon ay binuksan ng isang airline company ang kanilang ruta na Clark to Singapore at vice versa.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang isang daang at limampu’t anim na international flights at isang daan at dalawampu’t apat na domestic flights sa paliparan. Karamihan sa mga pasahero ng Clark International Airport ay mula sa Northern at Central Luzon.

Nasa 17 byahe ng point to point buses ang inilaan para sa mga taga Maynila na nagnanais magbook dito.

 

( Joshua Antonio / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,