Cleveland Cavaliers, wagi kontra Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 8232
Cleveland Cavaliers vs. Golden State Warriors(REUTERS)

Cleveland Cavaliers vs. Golden State Warriors(REUTERS)

Bumawi ang Cleveland Cavaliers at tinambakan kanina ang Golden State Warriors 120-90 sa Game 3 best of seven championship playoffs.

Sa ngayon 1-2 na ang championship series, abante parin ang warriors.

Pinangunahan ni Lebron James ang Cavs sa pamamagitan ng 32 points, 11 rebounds, at 6 assists.

Nagambag rin Kyrie Irving ng 30 points, 4 rebounds at 8 assists.

Sa panig ng warriors labing siyam na puntos lang ang naibuslo ni MVP Stephen Curry habang maagang nagpahinga ang sharp shooter na si Klay Thompson na nagkaroon ng left thigh contusion ng ma-tuhod ni Cavs Timofey Mozgov.

Ang game 4 ay idaraos sa home court ng Cavaliers sa darating na Sabado.

Tags: , , ,