Cleveland Cavaliers, nakuha ang 2016 NBA Champion title matapos talunin ang Golden State Warriors 93-89

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 16011

NBA
Tinapos ng Cleaveland Cavaliers ang mahigit limang dekadang tagtuyot sa kampyonato matapos masungkit ang 2016 NBA Champion.

Tinalo ng Cavaliers ang defending champion Golden State Warriors sa makapigil hiningang Game 7 sa Oracle arena sa score na 93- 89.

Nakapagtala ng triple double si LeBron James na kumamada ng 27 points, 11 rebounds at 11 assist, kaya tinanghal na finals MVP.

Ito na ang ika-pitong beses na nakapagtala ng tripple double si James sa finals sa kasaysayan ng kaniyang basketball career.

Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA na nakabawi ang isang koponan sa 3-1 deficit sa finals.

Samantala nag ambag naman si Kyrie Irving ng 26 points, 3 rebounds at 4 assist kabilang ang napakahalagang three point shot sa huling 53 seconds ng ball game upang umabante ang Cavaliers ng tatlong puntos.

Tags: , , ,