Code white alert, itinaas na ng DOH

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 2439

JOAN_WHITE-CODE
Nananatili namang zero incident o wala pang naitatalang naputukan ng firecrackers sa Metro Manila,kaya naman naniniwala ang DOH na epektibo ang kampanya nito kontra sa paggamit ng mga paputok.

Malaking tulong din anila ang inilabas na order ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na nagbabawal ng pagbebenta ng paputok sa mga bata.

Kaalinsabay nito, naka code white alert na rin ang lahat ng mga pampublikong ospital sa bansa kaugnay ng mga mabibiktima ng paputok na tatagal hanggang sa ika-lima ng enero sa susunod na taon.

Sa darating na December 31, ay nakatakda ring magikot sa ilang pampublikong ospital ang DOH, upang tiyakin ang kahandaan ng mga ito sa pagpapalit ng taon.

Tags: ,