Commuters group, payag sa hanggang pisong hiling na taas pasahe

by Radyo La Verdad | September 14, 2017 (Thursday) | 631

Pabor ang National Commuters Protection group sa hiling na taas pasahe ng mga jeepney operators. Ngunit hanggang piso lamang sa halip na dalawang piso gaya ng petisyon ng iba’t-ibang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Nais ng Pasang Masda, Fejodap, Acto at iba pa mula sa dating otso pesos ay gagawin itong sampung piso para sa unang apat na kilometro at dagdag na dalawang piso sa mga sumunod na kilometro.

Kundisyon naman ng mga commuter na tumabasan ng mas maayos na serbisyo sa mananakay ang posibleng pagtataas sa presyo ng pamasahe.

Ayon naman sa Pasang Masda, makatarungan ang kanilang petisyon lalo na at sunod-sunod ang naging pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Tags: , ,

Leave a Reply