Dagdag-bawas sa singil sa tubig, aprubado na

by dennis | May 15, 2015 (Friday) | 491
File photo

File photo

Magkakaroon ng dagdag-bawas sa singil sa tubig matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewearage System (MWSS) Board ang hiling ng Maynilad at Manila Water.

Magpapatupad ng average na dagdag singil na P1.35 kada cubic meter ang Maynilad habang magkakaroon naman ng bawas-singil na P0.62 kada cubic meter ang Manila Water.

Ang naturang approval ng MWSS ay ilalathala sa mga pahayagan sa loob ng 15 araw matapos itong maipaalam sa mga water concessionaires.

Inaasahang magiging epektibo ang bagong rate sa katapusan ng Mayo at makikita na ito sa bill ng mga consumer sa Hunyo.

Tags: , ,