Maynilad at Manila Water, may taas singil sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | December 15, 2023 (Friday) | 19259

METRO MANILA – Aprubado na ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) regulatory office ang pagtaas sa singil ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa tariff adjustment bunsod naman ng inflation.

Para sa Maynilad customers, nasa P7.87 ang average increase sa kada cubic meter na konsumo.

Katumbas ito ng P4.74 na ang dagdag sa bill kada buwan para sa low-income lifeline consumers o nasa 10 cubic meters and below ang nakokonsumo .

P100.67 sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters at 205.87 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters.

Para naman sa Manila Water customers, average na dagdag na P6.41 sa kada cubic meter.

Ang epekto nito sa mga residential area na nasa low-income lifeline consumers ay dagdag na P2.96 sa buwanang bill .

Additional na P76.68 na dagdag para sa 20 cubic meters at 154.55 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters. Mag-uumpisa ang dagdag singil sa 2024.

Payo ng MWSS, sa mga maliliit lang ang sweldo at hindi hihigit sa 10 cubic meters ang konsumo ay maaari namang mag apply bilang mga lifeline customer.

Sa ganitong paaraan ay mas mababa ang magiging rate na kanilang babayaran.

Tags: , ,