Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo ngayong May 28

by Radyo La Verdad | May 28, 2024 (Tuesday) | 2124

METRO MANILA -Ipatutupad na ngayong araw (May 28) ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa magkakahiwalay na abiso ng mga oil company, tataas ng P0.40 ang presyo ng kada litro ng Diesel at gasolina.

P0.30 naman ang dagdag presyo sa kada litro ng Kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nakaaapekto pa rin sa presyo ng petrolyo ang nananatiling geopolitical tensions sa Middle East.

Tags: ,