Presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng tumaas at bumaba sa June 4

by Radyo La Verdad | June 3, 2024 (Monday) | 2165

METRO MANILA – Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes (June 4).

Batay sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaaring tumaas ng P0.40 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng Diesel.

Magkakaroon naman ng malaking rollback na P0.90 hanggang P1.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Posible rin ang price hike na P0.60 hanggang P0.80 sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Mamaya, iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad nila bukas.

Ayon sa industry players, bunsod pa rin ito ng pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.

Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na nakaapekto sa naturang paggalaw sa presyo ang inaasahang production cut ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Tags: , ,