METRO MANILA – Tatlong taon na ring walang galaw sa kasalukuyang rate sa tubig kaya kailangan na umanong magdagdag-presyo ng Maynilad at Manila Water.
Batay sa rate rebasing, P8.04 kada cubic meter ang hirit na dagdag-singil ng Manila Water sa unang taon o 2023.
Ibig sabihin, kung 20 cubic meters halimbawa ang konsumo ay higit P160 agad ang magiging taas-singil.
Samantala, inflation lang muna ang ipapatong na dagdag-singil ng Maynilad sa Enero, na katumbas ng P3.29 kada cubic meter.
Nangako ang manila water na gagastos ng higit P180-B para sa iba’t ibang proyekto upang mapaganda ang serbisyo sa susunod na 5 taon, pero ang kapalit nito’y taas-singil na aabot ng P20 kada cubic meter.
Nasa P163-B naman ang gagastusin ng Maynilad hanggang 2027 pero kapalit ay taas-presyong aabot ng P14 kada cubic meter sa loob din ng 5 taon.
Ang 9 na miyembro ng MWSS board ang magpapasya kung aprubado o hindi ang hirit na adjustment.
Kapag nailabas na ang desisyon, ipa-publish ang bagong water rates sa kalagitnaan ng Disyembre at magiging epektibo sa 2023.
METRO MANILA – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, Navotas, Valenzuela at Quezon City mula ngayong araw ng Lunes, May 22 hanggang Sabado, May 27.
Batay sa anunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. ito ay dahil sa isasagawang maintenance sa west zone.
Magsisimulang mawala ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Alas-11 rin ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa Navotas City.
Sa lungsod ng Maynila naman ay mawawalan ng tubig ang ilang lugar mula alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw.
Sa Valenzuela City, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga mawawalan ng suplay sa ilang apektadong site.
Habang sa ilang lugar sa Quezon City ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga. At mayroon ding mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Payo ng Maynilad sa mga apektadong customer, mag-imbak ng sapat na tubig para sa kabuoan ng water service interruption.
Nakahanda na rin ang mga water tanker upang maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.
Tags: Maynilad, water interruption
METRO MANILA – Nasa 48 cubic meters per second ang unang inilabas na alokasyon ng National Water Resources Board (NWRB) ngunit humiling ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na pataasin bunsod ng nararanasang tag-init
Hindi na magkakaroon ng kabawasan sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan nito matapos ilabas ng National Water Resources Board (NWRB) ang pinal na desisyon nito dahil sa hiling ng MWSS na itaas sa 50 cubic meters per second ang pag-release ng tubig.
Nauna nang inaprubahan ng NWRB ang 48 cubic meter per second sa buwan ng Abril ngunit binago nito ang desisyon epektibo bukas (April 4) hanggang April 15.
Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Junior, ito rin ay upang ma-address ang sunod-sunod na water service interruptions na nararanasan sa Metro Manila at kalapit probinsya.
Tags: Metro Manila, MWSS, NWRB
METRO MANILA – Nagpapatupad na ng water service interruption ang Maynilad simula noong March 28.
Ayon sa Maynilad, ito ay para makapagtipid ng tubig at hindi agad maubusan ng imbak na tubig mula sa dam.
Ayon sa PAGASA paghahanda narin ito sa posibleng maging epekto ng El Niño sa bansa na inaasahang mababawasan ang ulan.
Hindi narin anila sila masyadong nakakakuha ng supply mula sa La Mesa dam dahil bumababa ang lebel nito.
Inaasahan narin na simula sa April 1 ay mas hahaba ang oras na mawawalan ng tubig sa mga Maynilad consumer.
Hihilingin naman ng Maynilad sa MWSS upang dagdagan ang alokasyon ng tubig sa 52 cubic meters per second mula Abril hanggang Mayo sa pamamagitan naman ng National Water Resources Board (NWRB).
Sa ganitong paraan ay malalamnan ang imbak na tubig ng La Mesa at Ipo dam.
Kinukumpuni narin ngayon ng Maynilad ang mga tumatagas na tubo para mabawasan ang mga nasasayang na tubig.
Tags: Maynilad, water supply