Dagdag-singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water, tataas sa Abril – MWSS

by Radyo La Verdad | February 28, 2017 (Tuesday) | 2106


Inaasahang tataas ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water ngayong abril.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Chief Regulator Joey Yu, ang dagdag-singil ay dahil sa foreign currency differential adjustment.

Paliwanag ni Yu, ang pinagsamang FCDA para sa una at ikalawang quarter ng taon ang babayaran ng mga consumer.

Nakatakda namang i-anunsyo ng MWSS ang kabuoang halaga ng ipatutupad na dagdag-singil sa tubig sa mga susunod na araw.

Tags: , , , , ,