Dalawang menor de edad, isinugod sa hospital sa Pampanga matapos maputukan ng piccolo

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 1246

LESLIE_NAPUTUKAN
Kaagad na isinugod ang dalawang minor de edad sa Jose B. Lingad Hospital sa Pampanga matapos maputukan ng ipinagbabawal na paputok na piccolo.

Kinilala ang mga ito na sina Ian Tabida 16 years old na nakatira sa Barangay San Jose na nagtamo ng sugat sa kanang kamay at kanang hita at si Cyril Jasper Malig, 17 years old, na nakatira naman sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga na nagtamo naman ng sugat sa kanang kamay.

Ayon sa mga ito, bigla na lamang pumutok ang napulot nilang piccolo sa kalsada.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga doktor sa mga residente na iwasang dampot ng mga paputok na hindi pumutok para maiwasan ang mga aberya.

Samantala isang motorcycle incident naman ang nangyari sa Ganawen, Arayat, Pampanga bandang alas 9:30 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Miko Dizon labing walong taong gulang na nagtamo ng sugat sa kanang paa na kasalukuyang ginagamot sa hospital.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Reporter)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,