Dalawang nasaktan sa aksidente sa Pampanga, nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 2162

JOSHUA_TMBB
Dalawang lalake ang nabiktima ng motorcycle accident sa Apalit, Pampanga, ala una ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang mga ito na sina Roni Cuyugan, 19 anyos at si Adrian Cunana, 18 anyos na kapwa nakatira sa bayan ng San Simon.

Parehong iniinda nina Roni at Adrian ang mga tinamong gasgas sa mga siko, tuhod at paa na kaagad namang binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Matapos malapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang mga biktima ay dinala ang mga ito sa police station ng Apalit.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,