Danyos ng El Niño sa agrikultura, umabot na sa mahigit P810-M – NDRRMC

by Radyo La Verdad | February 28, 2024 (Wednesday) | 3044

METRO MANILA – Umaabot na sa mahigit P810-M ang pinsala ng El Niño phenomenon sa agrikultura ng bansa.

Batay sa report ng NDRRMC kahapon (Fe. 27), naitala ang bulto ng danyos sa mga rehiyon ng Western Visayas, Mimaropa, Calabarzon at Zamboanga.

Dagdag pa ng ahensya, umabot naman sa nasa 13,326 farmers at fisherfolks ang sinasabing naapektuhan habang nasa 12,493 na ektarya naman ng mga pananim ang nasira dahil sa nagpapatuloy na El Niño.

Tags: ,