Dating First Gentleman, humihiling muli sa Sandiganbayan na makapag-abroad

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 1033

JOYCE_MIKE-ARROYO
Pag-aaralan na Sandiganbayan Fifth Division kung pahihintulutang muli ang motion for leave to travel abroad ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Humihiling si Arroyo na payagang magtungo sa Japan at Hongkong mula March 28 hanggang April 4, 2016.

Matatandaang pinahintulutan na ng korte sa mga nakalipas na pagkakataon si Ginoong Arroyo na makabiyahe sa ibang bansa sa kundisyong maglalagak travel bond.

Si Arroyo ay nahaharap sa mga kaso ng graft dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang pagbili ng overpriced helicopters ng Philippine National Police noong 2009 gayundin sa maanomalyang National Broadband Deal sa ZTE Corporation ng China sa parehong taon.

Tags: , ,