Pag-aresto kay Imelda Marcos, iniutos na ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | November 14, 2018 (Wednesday) | 1811

May utos na ang Sandiganbayan na arestuhin si dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos matapos mahatulang guilty sa mga kasong katiwalian.

Batay sa kautusan ng Sandiganbayan 5th Division noong Biyernes, pina-iisyuhan ng warrant of arrest si Imelda dahil hindi sumipot sa pagbasa ng kanyang sentensiya.

Kinumpiska na rin ng Sandiganbayan ang inilagak nitong piyansa at pinapagpaliwanag sa loob ng tatlumpung araw.

Tags: , ,