Dating myembro ng Philippine Army, nahulihan ng higit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Parañaque City

by Radyo La Verdad | October 26, 2018 (Friday) | 7207

Isang dating miyembro ng Philippne Army ang naaresto sa buy bust operation ng PNP sa parking lot sa loob ng isang mall sa Parañaque City, alas singko ng hapon kahapon.

Target ng operasyon si Johnvhen Arnaiz o alyas Bossing  dating sundalo na nagbebenta umano ng shabu.

Nang makumpirma ng mga operatiba ang iligal na aktibidad ng suspek ay nagsagawa na ang mga ito ng buy bust operation.

Naaresto rin ang dalawa pang kasama ni Arnaiz na sina Valentin Arnaiz at Joseph Cabatbat.

Nasabat sa mga ito ang apat na plastik na pakete na naglalaman ng nasa dalawang daang gramo ng hinihinalang shabu. Nagkakahalaga ito ng higit isang milyon at tatlong daang libong piso

Nakuha din sa mga suspek ang isang kwarenta y singkong kalibre ng baril, mga bala at ang buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,