Dayalogo at konsultasyon para makabuo ng regulasyon sa E-vehicles, itutuloy ng LTO

by Radyo La Verdad | March 8, 2024 (Friday) | 2175

METRO MANILA – Itutuloy ng Land Transportation Office (LTO) ang pakikipag-usap nito sa mga stakeholder bago bumuo ng guidelines at regulations para sa mga may-ari ng e-bikes at mga di rehistradong electric vehicles.

Sinabi kahapon (March 7) ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na kailangang konsultahin ang nasabing sektor para malaman kung dapat ipatupad ang pagpaparehistro ng e-vehicles o kung dapat bang obligahin ang mga gagamit nito na magkaroon ng drivers license.

Kinumpirma naman ni Mendoza na ang nasabing konsultasyon ay kaugnay ng utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kausapin ang stakeholders bago i-finalize ang regulations para sa e-bikes.

Tags: ,