DBM, aprubado ang hiring ng 5,000 non-teaching personnel para sa DepEd

by Radyo La Verdad | August 31, 2023 (Thursday) | 6682

METRO MANILA – Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiring ng nasa 5,000 non-teaching personnel para sa Department of Education (DepEd).

Paliwanag ng DBM, layon ng gagawing pagtanggap sa non-teaching na tauhan na matulungan ang mga guro sa iba pa nilang mga trabaho.

Kabilang sa mga iha-hire ang 3,500 Administrative Officers II, 1,500 Project Development Officer I.

Ayon sa DBM ide-deploy ang mga ito sa iba’t ibang public schools sa Cordillera Administrative Region (CAR), Caraga, National Capital Region (NCR) at iba pang mga rehiyon.

Sa ilalim ng 4th trance monthly salary schedule for civilian personnel, aabot sa P27,000 ang basic salary ng AO II at PDO I na kapwa pasok sa salary Grade-11.

Tags: ,