Deadline sa pagfile ng ITR sa pamamagitan ng e-filing, hindi na palalawigin ng BIR

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 532

KIM HENARES

Walang extention na itatakda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa paghahain ng income tax return o ITR sa kabila ng reklamo ng mga taxpayer sa e-filing system ng ahensya.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi na nila palalawigin pa ang deadline ng paghahain ng ITR na itinakda sa Abril 15.

Iginiit ni Henares na istrikto nilang ipatutupad ang naturang polisiya dahil noon pa man ay mayroon nang e-filing at payment scheme ang BIR.

Una nang hiniling ng Tax Management Association of the Philippines (TMAP) na palawigin ang deadline hangga’t hindi naiaayos ang website sa pagsumite at pagbabayad ng ITR.

Tags: , , , , ,