DEPED, nagbigay babala sa publiko ukol sa solicitation scam

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 1657

deped-facade
Nagbabala ang Department of Education kaugnay sa mga taong nagpapanggap bilang Armin Luistro FSC upang makalikom ng donasyon para sa mga proyekto ng DEPED.

Ayon sa ahensya, may mga ulat silang natanggap mula sa limang field office nito na may tumawag sa kanilang opisina na nagpapanggap na Luistro at humihingi ng detalye ng partners and contractors for solicitation purposes gamit ang numerong 0977 797 6819 at 0977 797 6818.

Kaugnay nito, nanawagan ang deped na sinomang makatanggap ng tawag na katulad ng nasabing modus, agad itong ipagbigay alam sa kanilang action center sa numerong 636 1663 at 6331942.(Joms Malulan/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,