METRO MANILA – Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa P4.5 Billion mula sa P11.2 Billion na pondo para sa ayuda ang naipamahagi na sa Cities and lone municipality sa National Capital Region (NCR) na nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Nasa 4,566,655 low-income individuals na po ang nakinabang sa ating ayuda at tuloy-tuloy pa rin po ang ating pagbibigay ng ayuda ng ating mga LGUs,” ani DILG Secretary Eduardo M. Año.
Aprubado na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P368 Million na pondo para sa financial assistance request ng mga NCR LGUs.
Samantala, sa August 25 ay dapat naipamahagi na ng mga lokal na pamahalaan ng NCR ang mga ayuda para sa low-income individuals.
Siniguro naman ni Año ang maayos na distribusyon ng ayuda sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine National Police (PNP) at mga LGU sa Metro Manila.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
METRO MANILA – Isasagawa na ngayong araw ng Huwebes June 20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang public hearing kaugnay ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum na arawang sahod sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may nagpetisyon na dagdagan pa ng P750 at P597 ang kasalukuyang minimum wage sa NCR na P610.
Magsasagawa pa ng deliberasyon o tatalakayin ng wage board ang mga mapag-uusapan pagkatapos ng isasagawang pagdinig.
Inaasahan na magkakaroon ng positibong resulta ang review bago ang July 16, 2024 o unang anibersaryo nang itaas sa P610 ang minimum daily wage sa Metro Manila.
Muli namang nilinaw ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi siya makikialam kung ano man ang maging desisyon ng wage board.
METRO MANILA – Hindi pa muna ibinibilang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung ilan ang nasita na mga E-bike at E-trike na dumaraan sa national roads sa Metro Manila.
Kahapon (April 15) ang petsa kung kailan ipatutupad ang ban sa mga nabanggit na e-vehicles sa mga pangunahing kalsada.
Ayon sa ahensya, hindi pa sila mag-iisyu ng violation ticket hanggang ngayong Martes April 16 upang bigyan pa ng panahon ang publiko na malaman ang bagong batas trapiko.
METRO MANILA – Pinamamadali na ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) National Capital Region (NCR) union ang pagbabalik ng tradisyonal na school calendar na nagsisimula sa buwan ng Hunyo.
Layon ng nasabing panawagan na maprotektahan ang mga estudyante at kabataan sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon sa bansa.
Naniniwala naman ang grupo ng mga guro na kaya itong isagawa ng Department of Education (DepEd) kung gugustuhin.