DOH nilinaw na walang Nipah virus sa Cagayan De Oro

by Radyo La Verdad | September 29, 2023 (Friday) | 10548

METRO MANILA – Nilinaw ngayon ng Department of Health na walang kaso ng Nipah virus sa Cagayan De Oro.

Sa isang pahayag sinabi ng DOH Center for Health Development sa Northern Mindanao, na walang kaso ng Nipah virus sa probinsya, taliwas sa mga balitang kumakalat ngayon na umanoý may mga senyales at sintomas ng nasabing virus sa Cagayan De Oro.

Bagaman mayroon umanong mga guro at mga estudyante sa lugar na kinakikitaan ng mga sintomas ng sakit, hindi naman ito dulot ng Nipah virus.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na wala pang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas, gayunman may nakahanda nang surveillance system upang ma-monitor ang mga posibleng kaso nito.

Tags: ,