DOJ Sec. Guevarra, sasalang sa confirmation hearing ng Commission on Appointments

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 2436

Haharap sa mga miyembro ng Commission on Appointments (CA) ngayong umaga si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ngayon ang huling araw ng sesyon ng Kongreso bago ang kanilang sine die adjournment.

Kung hindi makakukuha ni Guevarra ang kumpirmasyon ng CA, maba-bypass ang appointment nito at kailangan siyang ire-appoint ng pangulo upang manatili sa pwesto.

Ngayong araw, inaasahang ikukumpirma naman ng CA ang appointment Nina Agrarian Reform Secretary John Castriciones at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,