DOJ tiniyak na magkakaroon ng “fair and thorough investigation” sa reklamo VS Albayalde

by Erika Endraca | October 22, 2019 (Tuesday) | 30202

METRO MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department Of Justice (DOJ) na magiging patas at mabusisi ang kanilang gagawing imbestigasyon sa inihaing reklamo laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde kaugnay sa agaw bato incident.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang pagsama ng PNP CIDG kay Albayalde sa mga respondents sa reklamo ay batay sa kanilang sariling asessment kung sino ang may pananagutan sa insidente.

Samantala tiniyak naman ni Guevarra na “fair and thorough” ang kanilang gagawing imbestigasyon at mabibigyan ng due process si Albayalde.

Tags: ,