DOTr, may libreng sakay para sa mga lalahok sa Builb, Build, Build jobs fair sa linggo

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 1442

May libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga aplikanteng lalahok sa Build, Build, Build jobs fair sa linggo.

Ang jobs fair ay gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City mula alas otso y medya ng umaga hanggang alas kwatro y medya ng hapon kung saan sampung libong trabaho ang naghihintay para sa mga aplikante.

Para maka-avail ng libreng sakay, magpakita lamang ng resume at ID pagdating sa Vito Cruz o Buendia station ng LRT kung saan nakapwesto ang mga bus.

Alas sais ng umaga aalis ang 1st trip papuntang Mall of Asia (MOA).

Tags: , ,