DOTr sa LTFRB: paigtingin ang operasyon laban sa mga Angkas driver na patuloy ang pamamasada

by Radyo La Verdad | December 19, 2018 (Wednesday) | 14563


Inatasan ng Department of Transportation o DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na paigtingin ang kampanya laban sa mga driver ng motorcycle hailing app na Angkas na tuloy pa rin sa pamamasada.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, sinunod ng kagawaran ang inilabas na injunction noon ng Mandaluyong Regional Trial Court pabor sa angkas kaya dapat sundin naman ngayon ng Angkas ang inilabas na Temporary Restraining Order ng Korte Suprema sa desisyon ng Mandaluyong RTC.

Giit ng kalihim, ipatutupad ng kagawaran ang batas laban sa mga kolorum na bikers.

Tags: , ,