DPWH, magpapatupad ng re-blocking sa ilang kalsada dahil sa gagawing road repair

by Radyo La Verdad | April 27, 2017 (Thursday) | 1744


Magsasagawa naman ang DPWH ng road repair at re-blocking sa April 28 hanggang May 1.

Magsisimula ito bukas ng alas onse ng gabi at matatapos sa Lunes ng ala-singko ng madaling araw.

Sa bahagi ng northbound, ilan sa mga gagawing kalsada ay ang ikalawang lane sa kahabaan ng Mindanao Avenue mula Old Sauyo Road hanggang sa Mindanao tunnel sa Quezon City.

Fifth lane ng Commonwealth Avenue bago mag-Litex.

Second lane ng Quirino Highway mula Mindanao Avenue hanggang sa Bernardino Street.

Unang lane ng Congressional Avenue extension mula Luzon Avenue hanggang Visayas Avenue.

At gayundin ang kahabaan ng Mc Arthur Highway mula Cayetano Street mula China Bank sa Velenzuela City.

Gagawin din ang ikalawang lane naman ng EDSA southbound mula Roosevelt hanggang Quezon Avenue.

Sa kahabaan naman ng C5 road bago ang Lanuza Avenue sa Pasig City.

Gayundin ang C5 road mula Makati/Pasig boundary patungong Commando link sa Makati City.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalsada at humanap ng ibang ruta.

Tags: , , ,