Duterte, absent sa Independence Day celebration sa Davao City

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 7747

DAVAO
Simple lamang ang naging selebrasyon ng araw ng kalayaan sa Davao City noong Linggo ng umaga.

Pinangunahan ng law enforcement agencies ang flag raising ceremony bilang pasimula ng celebration at nagtapos sa sabayang pag-awit ng “Pilipinas kong mahal.”

Samantala, kapansin pansin na wala sa selebrasyon si President-Elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay City Administrator Melchor Quitain, ipinaubaya na lamang sa kanila ni Duterte ang programa at kung papaano isasagawa ang selebrasyon ng Independence Day.

“I cannot remember him attending the Independence Day celebration. But i understand that at the initial beginning of his term he used to attend. Ang kanya naman ay nagkakaintindihan naman kami, he just told me na just go ahead and do what you think is right, he did not decide to stop, i don’t know the reason why.”
Pahayag ni Quitain.

Tags: ,