Emergency procurement, hihilingin ng DOTC para sa MRT maintenance provider

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 369
File photo: UNTV News

File photo: UNTV News

Nakatakdang maghain ng emergency procurement ang Department of Transportation and Communications upang makakuha ng bagong maintenance service provider sa Metro Rail Transit.

Ipinahayag ni DOTC secretary Jun Abaya na idudulog nila ang kanilang mosyon sa Government Procurement Policy Board (GPPB).

Ayon kay Abaya, requirement sa ilalim ng batas na kung kailangan dumaan sa alternative mode at lampas P500 milyon ang kontrata, ay kailangan nilang humingi ng permiso sa GPPB.

Kaugnay nito umaasa ang DOTC na magiging maagap ang pasya ng policy board

Tags: , , , ,