Empleyado sa mga ospital, kakasuhan kung mapatunayang walang respeto sa mga pasyente – DOH

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 3729

Hindi matanggap ni Department of Health (DOH) Secretary Dr. Francisco Duque III ang mababang rating ng serbisyo ng mga empleyado sa mga ospital sa bansa.

Ayon sa kalihim ng kagawaran, batay sa nakalap niyang impormasyon, halos singkwenta porsyento ng mga pasyente ang nagsasabi na hindi maayos makitungo ang ilang mga empleyado ng ospital, partikular na ang mga nurse.

Dadag pa ni Duque, hindi dapat sungitan ang mga may sakit, kundi bagkus dapat kaawaan ang mga ito at tulungan.

Nagbabala si Sec. Duque  na maaring tangalin sa pwesto at sampahan ng kaso ang mapapatunayang nagpakita ng hindi magandang pakikitungo sa mga pasyente.

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,