
Tinanggal na rin sa pwesto ng Office of the President si Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar.
Ito’y matapos siyang mapatunayang nagkasala sa kasong simple and grave misconduct kaugnay ng mga isinampang corruption charges laban sa kanya.
Nag-ugat ang mga reklamo dahil sa umano’y pagmamanipula nito sa bidding process at pananakot sa ilang ERC commissioners at officers kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa kanya.
Si Salazar din ang itinuro ng nagpakamatay na si Dir. Francisco Jose Villa Jr. na nagpressure sa kanya upang aprubahan ang ilang kontrata at kumuha ng consultants na hindi dumadaan sa tamang proseso.
Tags: ERC Chairman Jose Vicente Salazar, Office of the President, simple and grave misconduct
Inaprubahan ng House Committee on Appropriations sa loob lamang ng sampung minuto ang panukalang pondo ng Office of the President para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 6.773 bilyong piso.
Mas mataas ito ng 12.32% kumpara sa kasalukuyang nitong pondo na 6.03 bilyong piso.
At tulad ng nakagawian, agad nagmosyon si Albay Rep. Edcel Lagman na aprubahan ang proposed budget ng Office of the President. Wala namang kongresista na tumutol dito.
Pagkatapos ng budget briefing sa komite, nakatakda namang isalang sa plenary deliberation ang pondo ng Office of the President.
Tags: Albay Rep. Edcel Lagman, Kamara, Office of the President

Sinuspinde muli ng Malacañang si ERC Chairman Jose Vicente Salazar. Ito ay matapos na mapatunayan siyang guilty ng insubordination. Bunsod ito ng hindi pagsunod at pagkilala ni Salazar sa pagtatalaga ng palasyo kay ERC Commissioner Geronimo Sta. Ana bilang officer in charge ng komisyon.
Bukod dito, inaakusahan din si Salazar ng pag-iisyu ng mga kautusan ukol sa renewal ng pitong electric power purchase agreements nang walang ginawang konsultasyon. Nilinaw naman ng Malacañang na ang panibagong apat na buwang suspensyon ay hiwalay sa naunang ipinataw na 90-day preventive suspension noong Mayo.
Si Salazar ay una nang inakusan ng hindi pagsunod sa mga patakaran ng ERC sa pag-aapruba ng mga kontrata. Isa ito sa itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ni ERC Bids and Awards Committee Chairman Francisco Jose Villa noong Novembre 2016.
Samantala, sinusubukan pa rin naming kunin ang pahayag ni Salazar sa naturang usapin.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: ERC Chairman Jose Vicente Salazar, Francisco Jose Villa, Malacañang

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na naisumite na nila sa Office of the President ang kanilang rekomendasyon kaugnay ng batas militar sa Mindanao.
Nakasaad dito ang kanilang posisyon kung palalawigin ba ang 60-day period ng martial law na magtatapos sa July 22.
Ngunit hindi na nagbigay ng ano pamang detalye ang kalihim ukol dito.
Aniya, hintayin na lamang ang ilalabas na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Lorenzana na buo ang kanyang tiwala sa magiging desisyon ng pangulo kahit sundin man nito ang kanilang rekomendasyon o hindi.
Tags: Defense Secretary Delfin Lorenzana, Office of the President, Pangulong Rodrigo Duterte