Estado ng Phil. Development Plan, tinalakay ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 17, 2015 (Monday) | 1032

CABINET
Tinalakay ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino the third at ng gabinete ang estado ng 2011-2016 Philippine Development Plan sa Malacanang .

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, pangunahing agenda sa cabinet meeting ang pag- review sa first semester performance at implementasyon ng PDP Programs.

Ang PDP 2011-2016, ang framework ng administrasyong Aquino para sa inclusive growth, kung saan layon nito na makapagbigay pa ng trabaho para sa mga mamamayan at pababain ang kahirapan sa bansa. (Nel Maribojoc/ UNTV News)

Tags: