Executive branch, maaaring gumawa ng panukala bilang amiyenda sa konstitusyon ayon sa liderato ng Senado

by Radyo La Verdad | November 30, 2017 (Thursday) | 2019

Aabangan ng Senado ang magiging panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga amiyenda sa 1987 constitution.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, maaari namang gumawa ng panukala ang ehekutibo para sa pagsusulong ng Charter Change.

Sang-ayon naman dito si Senate Minotiry Leader Franklin Drilon, ngunit dadaan aniya ang panukalang amiyenda sa konstitusyon sa tamang proseso.

Para kay Senator Grace Poe, dapat maging prayoridad na amiyendahan ang economic provision ng Konstitusyon.

Sisimulan na nilang talakayin sa susunod na taon ang panukalang Bangsamoro Basic Law gayundin ang federalismo.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,