Expanded Centenarian Act, magbibigay ng dagdag-benepisyo sa mga matatanda

by Radyo La Verdad | February 27, 2024 (Tuesday) | 983

METRO MANILA – Mabibigyan na rin ng cash gift ang mga matatanda na aabot na sa edad na 80, 85, 90 at 95 anyos.

Kasunod ito ng ginawang paglagda ni ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior kahapon (Feb. 26) para sa Expanded Centenarian Act.

Sa ilalim ng Republic Act Number 11982 o an Act Granting Benefits to Filipino Octogenarian and Nonagenarians, mabibigyan ng benepisyo ang mga senior citizens na aabot sa edad na 80, 85,90 at 95 ng tig-P10,000 bukod sa P100,000 na ibibigay kapag umabot sa 100 years old o centenarian.

Inaasahan na agad na mailalabas ang Implemeting Rules and Regulations (IRR) ng naturang batas upang agad itong maipatupad.

Paliwanag ng nag-akda ng panukala na si Senator Ramon Bong Revilla Junior, ang mga senior na magbe-birthday ngayong taon at aabot sa 80, 85, 90 at 95 ay makakasama sa mabibigyan ng cash gift.

Ngunit ayon sa senador, sa susunod na taon pa ito maibibigay dahil wala pa sa 2024 national budget ang pondong kinakailangan para sa bagong batas na ito na aabot sa P2.2-B.

Tags: ,