“The floating piers”, binuksan sa Italy

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 910
Photo Courtesy: Christo and Jeanne-Claude

Photo Courtesy: Christo and Jeanne-Claude

Binuksan noong Sabado sa ibabaw ng Lake Iseo Italy ang “the floating piers” ni Bulgarian-Born US Artist Christo Vladimirov Javacheff.

Maaaring makapaglakad nang libre sa ibabaw ng lake sa pamamagitan ng 220,000 high density polyethylene cubes.

Ayon sa mga local authorities, nasa kalahating milyong tao na ang bumisita sa nasabing art installation at inaasahang madaragdagan pa ito hanggang Hulyo 3.

Dalawang taon pinagplanuhan ang the floating piers na nagkakahalaga ng 15 million euros o halos 800 million pesos.

(UNTV RADIO)

Tags: ,