Gross Domestic Product ng Pilipinas, tumaas

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 6813

darlene_gdp
Pangatlo na ngayon ang Pilipinas sa may pinakamabilis lumagong ekonomiya sa Asya, sumunod sa Vietnam at China.

Ayon sa National Economic Development Authority o NEDA, base ito sa six percent growth ng Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas nitong third quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagtaas ng GDP ng bansa ay dahil sa mataas na performance ng services sector na umabot ng 7.3 percent mula sa 5.6 percent na siyang may pinakamataas na kontribusyon kumpara sa industry at agriculture.

Paliwanag ng NEDA, kung aabot sa 6.9 percent ang GDP ng bansa sa huling bahagi ng taon, aabot ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6 percent sa kabuuan ng 2015.

Naniniwala rin ang NEDA na maabot ng pilipinas ang 6.9 na GDP sa fourth quarter dahil sa inaasahang mataas na pagkunsumo na dulot ng mababang presyo ng mga bilihin(low inflation), dumaraming trabaho at ang mababang presyo ng petrolyo.

Inaasahang makatutulong rin sa pagtaas ng kunsumo ang holiday season at ang papalapit na eleksyon.

Isa na rito ang umiiral na El Niño, na makaka-apekto sa agrikultura.

Isa pang maaring makaapekto sa ekonomiya ay ang napipintong pagpapalit ng administrasyon.

Paliwanag ng NEDA, kailangan ng susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang mga repormang pang pulitika at pangekonomiya na ipinatutupad ngayon o kaya mas paigtingin pa ito – upang magpatuloy ang mabilis na paglago ng ekonomiya at maabot ang target para sa susunod na taon na 7 to 8 percent.

Upang mangyari ito kailangang pagtuunan ng pansin ng susunod na administrasyon ang problema sa kakulangan sa imprastruktura, at pamumuhuman sa human capital at pag bibigay ng mas maraming oportunidad sa mga maliliit na negosyo.

Ang inaasahang 6 percent GDP growth ng bansa ngayong taon ay mas mabababa sa naunang target na 7 to eight percent.

Ayon sa NEDA bagamat bumaba ang inaasahang growth target ngayong 2015, mananatili naman anya ang 7 to 8 percent na target para sa 2016.(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)

Tags: ,