Hakbang ng China na arestuhin ang ‘trespassers’ sa SCS, kinondena ni PBBM

by Radyo La Verdad | May 20, 2024 (Monday) | 3836

METRO MANILA – Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado (May 18) ang hakbang ng China na arestuhin ang sinumang dayuhang trespasser  sa South China Sea.

Kinabibilangan ang sinasabi nilang maritime border ang mga lugar na saklaw ng eksklusibong economic zone ng Pilipinas.

Ayon sa pangulo, ang ganitong uri ng aksyon ay lubos na hindi katanggap-tanggap sa bansa habang tiniyak naman nito na gagawin  ang anomang hakbang para maprotektahan palagi ang mga Pilipino.

Magkakabisa na sa Hunyo ang nasabing kontrobersyal na regulasyon ng China, na nagpapahintulot sa China Coast Guard na ikulong ang mga umano;y trespasser nang hanggang 60 araw.

Tags: ,