Hakbang ng Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea isyu, suportado ng Estados Unidos

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 2755

JERICO_OBAMA
Nagpahayag ng buong suporta si US President Barrack Obama sa hakbang ng Pilipinas na daanin sa prosesong naayon sa international law ang usapin sa territorial dispute ng China at Pilipinas.

Ginawa ni President Obama ang pahayag matapos ang bilateral meeting kay Pangulong Aquino kaninang umaga.

Ayon kay Obama, marapat lamang aniya na pagusapan ng lahat ng bansa ang anumang territorial dispute sa paraang naayon sa batas.

Bukod dito, Sinabi rin ni Obama na planong palakasin ng Estados Unidos ang kapasidad ng treaty partners nito sa Asya gaya ng Pilipinas.

Para din aniya maisagawa ito, makakatulong ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na kasalukuyang nakabinbin sa Supreme Court dahil sa pagsisiyasat.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,

China, bukas umano sa dialogue sa PH re: WPS issue

by Radyo La Verdad | December 21, 2023 (Thursday) | 9101

METRO MANILA – Handa na umanong makipagtulungan ang China sa Pilipinas upang maayos ang anomang hindi pagkakaunawaan sa issue ng West Philippine Sea (WPS).

Sa isang press briefing, sinabi ni Chinese Ministry Spokesperson Wang Wenbin na bukas sila sa dayalogo at konsultasyon para mahakanap ng solusyon sa sigalot.

Hindi aniya nila isinasara ang posiblidad ng pakikipag-usap sa Pilipinas.

Tags: ,

Estados Unidos, walang karapatang makialam sa problema sa West Philippine Sea ayon sa China

by Radyo La Verdad | October 27, 2023 (Friday) | 13553

METRO MANILA – Walang karapatang makialam ang Estados Unidos sa problema sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito ang sinabi sa isang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning matapos na magbigay ng assurance si US President Joe Biden na ipagtatanggol nito ang Pilipinas sa pag-atake ng ibang bansa kasunod ng pagbangga ng mga barko ng China sa supply boat at Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa pinakahuling resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon sa Chinese official, hindi kasali ang Estados Unidos sa usapin sa South China Sea at wala itong karapatan na makialam sa problema sa pagitan ng China at Pilipinas.

Sa ilalim ng 1951 mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika, may obligasyon ang Estados Unidos na saklolohan ang Pilipinas sa gitna ng pag-atake ng ibang bansa.

Binigyang-diin naman ni US President Biden na sakop ng kasunduan ang armed attack sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Tags: , ,

Barko ng Chinese Maritime Militia at CCG, binangga ang mga barko ng Pilipinas sa WPS

by Radyo La Verdad | October 23, 2023 (Monday) | 10283

METRO MANILA – Hindi na naiwasang magkasagian ang supply boat na kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang 1 barko ng China Coast Guard.

Ayon sa pahayag na inilabas ng National Task Force for the West Philippine Sea, nangyari ito alas-6 ng umaga ng Linggo, October 22, habang nagsasagawa ng panibagong rotation and resupply mission sa BRP Siera Madre na nasa Ayungin Shoal.

Kita sa mga video na kuha mula sa supply boat na Unaiza May 2 ang pagdikit ng barko ng China.

Sa isa pang video mula sa himpapawid, makikitang deretso ang takbo ng supply boat na hinahabol at sinusubukang harangan ng chinese vessel.

Sa isa pang video, kita namang bumangga ang Chinese maritime militia vessel sa port side ng ng BRP Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG) habang ito ay nakahimpil may 6.4 nautical miles mula sa Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag, mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea ang mapanganib, iresponsable at iligal na gawain ng China Coast Guard at maritime militia na paglabag sa soberanya ng Pilipinas,

At tahasang pagbale-wala sa UNCLOS, Maritime Conventions para maiwasan ang banggaan sa karagatan at ng 2016 arbitral award.

Sa isang post sa social media ni United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, sinabi nito na mariing kinokondena ng Estados Unidos ang pinabagong disruption ng China sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Naisapanganib aniya nito ang buhay ng mga Pilipinong sakay ng supply boat.

Naninindigan aniya sila kasama ng kanilang mga kaibigan, partners at kaalyado sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas.

Sa kabila naman ng panghaharang at pambu-bully ng China ay matagumpay pa ring naisagawa ang pinakabagong RORE mission ng AFP at PCG.

Tags: , , ,

More News