Halos tatlong daang soloists, bumida sa WISHcovery audition sa Maynila

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 1924


Napakaraming aspiring singers mula sa Maynila ang nangangarap na matutupad ang kanilang pangarap na makilala sa larangan ng pag-awit. Sa katunayan, umaabot na halos sa exit ng mall na ito ang pila ng WISHcovery auditionees.

Isa na sa kanila ang account assistant ng isang banko na si Kish Albajera. Hilig na talaga ni kish ang pagkanta ng bossa nova mula pa nang siya’y bata.

Well-prepared naman maging sa costume ang call center agent na si Zerman Camero na nag-leave pa sa trabaho.

Talagang naghanap pa siya ng outfit na nababagay sa kanyang performance ng filipino version ng let it go para makapagpahatid ng isang mensahe.

Ang susunod at pinakahuling on-ground audition ay isasagawa sa Baguio City sa August 3.

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

Tags: , ,