Hawks All-star forward Paul Millsap, hindi makakapaglaro ng 2 games dahil sa injury

by dennis | April 7, 2015 (Tuesday) | 866
Reuters: Paul Millsap (4)

Reuters: Paul Millsap (4)

Dalawang sunod na laro ang ipagpapaliban ni Atlanta Hawks forward Paul Millsap dahil sa tinamong sprained right shoulder sa kanilang laban sa Brooklyn Nets sa Philips Arena.

Nakahinga ng maluwag ang management ng naturang koponan matapos magnegative sa X-ray sa hinihinalang torn rotator cuff na posibleng makapagwakas ng kanyang NBA season ilang araw bago magsimula ang playoffs.

Sa pamamagitan naman ng MRI, nakumpirma ng kanyang mga trainer na nagtamo lamang ito ng sprain sa kanyang kanang balikat.

Si Millsap ay na-injure sa 2nd quarter ng kanilang laban matapos itong makipagbanggaan kay Earl Clark ng Nets sa center court habang nakikipag-agawan ng bola. Hindi na muling nakapaglaro si Millsap matapos ang pangyayari.

Hindi makakapaglaro si Millsap sa kanilang home game laban sa Phoenix Suns at ang laban naman nilang muli sa Brooklyn Nets.

Tags: ,