Hawks vs Cavs sa NBA East Finals

by dennis | May 16, 2015 (Saturday) | 3863
mula sa official Twitter account ng Atlanta Hawks

mula sa official Twitter account ng Atlanta Hawks

Pasok na sa NBA Eastern Conference Finals ang Atlanta Hawks matapos nitong talunin ang Washington Wizards sa score na 94-91

Muntik pa sanang mag-overtime nang tangkain ni Paul Pierce na tumira sa right corner three-point area. Pumasok naman ang kanyang three-point attempt para i-beat ang buzzer subalit nang rebyuhin ito ng mga game official, nakita na hawak pa ni Pierce ang bola nang maubos ang oras.

Ito ang una nilang pagkakataon na makapasok ng Eastern Conference Finals mula ng ilipat ang prangkisa ng Hawks sa Atlanta noong 1968. Haharapin ng Hawks ang Cleveland Cavaliers kung saan hawak ng Atlanta ang homecourt advantage.

Pinangunahan ni DeMarre Carroll ang Hawks sa kanyang 25 points, kasama na dito ang apat na puntos mula sa dalawang assist ni Jeff Teague na siyang nagpaangat sa kanilang koponan nang magtangka ang Wizards na makahabol sa huling 40 segundo ng laro.

Ang Game 1 ay gagawin sa Atlanta sa Miyerkules (oras sa Amerika).(UNTV Radio)

Tags: , ,