Hearing sa kaso ng driver na inireklamo ng sexual harassment itinakda ng LTFRB ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 591

LTFRB
Ngayong araw itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hearing laban kay Emmanuel Hanopol Escalona, ang jeepney driver na inireklamo ng sexual harassment.

Kabilang sa ipinatawag mamayang alas dos ng hapon ang may ari at operator ng jeep na sina Jhonny at Janet Buasen.

Noong nakaraang linggo ay kinansela na rin ng Land Transportation Office ang lisensya ni Escalona at hindi na pinapayagang makapag maneho ng kahit anong uri ng sasakyan.

(UNTV RADIO)

Tags: ,