Hidilyn Diaz, nagkamit ng unang gintong medalya sa 2018 Asian Games

by Radyo La Verdad | August 22, 2018 (Wednesday) | 3642

Nasungkit ng Pilipinas ang unang gintong medalya sa isinasagawang 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa pamamagitan ni Hidilyn Diaz kahapon.

Tinalo ng 2016 Rio Olympics silver medalist na si Diaz ang labing isang kalahok mula sa iba’t-ibang bansa sa Women’s Weightlifting 53-kilograms event.

Matagumpay na nabuhat at naitaas ni Diaz ng kabuuang bigat na dalawangdaan at pitong kilo.

Isang kilo ang deperensya nito sa mahigpit nyang kalaban mula sa bansang Turkmenistan.

Ang 27 anyos na atleta na si Diaz ay makatatanggap ng mahigit anim na milyong piso mula sa pamahalaan sang-ayon sa Republic Act 10699, Philippine Olympic Committee, Siklab Foundation at Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hoong.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,