Hiling ng isang pamilya sa Pampanga, tinupad ng Munting Pangarap

by Radyo La Verdad | August 29, 2017 (Tuesday) | 2888

Pinagkakasya ng pamilya ni Aling Venus Tanglao mula sa Mabalacat Pampanga ang mahigit apat na raang pisong kita ng kanyang mister na pintor kada araw.

Dati ay nakatutulong pa sya sa asawa sa pamamagitan ng paglalako ng kakanin. Nang matigil siya sa pagtitinda ng kakanin ay naglalabada na lamang si aling Venus dalawang beses sa isang linggo. Ngunit hindi pa rin nito nasasapatan ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

Sa pag-asang matutulungan ang kanyang pamilya, lumiham si aling Venus sa programang Munting Pangarap ni kuya Daniel Razon.

Bukod sa puhunan upang makapagtinda, pinagkalooban din ng programa si aling Venus ng isang tribike.

 

(Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,