Hiling ni Kerwin Espinosa na manatili sa kustodiya ng NBI, pinagbigyan ng Manila RTC

by Radyo La Verdad | August 20, 2018 (Monday) | 4266

MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang hiling ng self-confessed drug dealer na manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kinatigan ni Judge Silvino Pampilo ng Manila RTC Branch 26 ang mosyon ni Kerwin dahil sa panganib sa seguridad nito kung ililipat sa city jail ng Maynila at Makati.

Ayon pa kay Judge Pampilo, hindi naman tinutulan ng mga prosecutor ang hiling ni Kerwin.

Noong nakaraang Martes, iniutos ng Makati RTC ang pag-aresto kay Kerwin matapos itong kasuhan ng Department of Justice dahil sa pakikipagsabwatan umano sa negosyanteng si Peter Lim upang magbenta ng iligal na droga.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,